Yap sa abl na lalaro

MANILA, Philippines - Unti-Unti ay pinalalakas na ng San Miguel Beermen ang kanilang koponan bilang paghahanda sa mas mainit pang labanan sa 3rd ASEAN Basketball League (ABL).

Si Roger Yap ang ba­gong manlalaro na isusuot ang uniporme ng Beermen nang ibaba siya mula sa B-Meg Llamados na isang koponan sa PBA at pag-aari rin ng San Miguel Corporation.

Ang 34-anyos na 6’0 guard na pumasok sa PBA bilang ninth pick ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs, ay nagdesisyon na iwan ang Llamados para sa Beermen dahil sa paliit nang paliit na playing time sa ilalim ng bagong mentor na si Tim Cone.

Mainit na pagsalubong naman ang ibinibigay ni Beermen coach Bobby Parks Sr. na sariwa sa pag­hablot ng 68-66 panalo laban sa Philippine Patriots noong Linggo.

“Without a doubt, he is a good player. But we have to slowly bring him on the team,” wika ni Parks.

Si Yap ang ikalawang B-Meg na pumasok sa Beermen matapos ni John Ferriols.

Patitibayin ng pagda­ting ni Yap ang guard spot ng Beermen dahil na­sa koponan din ang ex-PBA player na si Aries Dimauna­han bukod pa sa batikang si Froilan Baguion.

Sasabak sa unang pagsasanay si Yap sa Beermen ngayon at inaasahang maglalaro na sa laban ng koponan kontra nagdedepensang Chang Thailand Slammers sa Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ngayon ay magka­salo sa liderato ang Patriots at Westports Malaysia Dra­gons sa 7-2 karta habang ang Beermen ay nagsosolo sa ikatlong puwesto tangan ang 7-3 baraha.

Show comments