Kayang-kaya pa ni Nepomuceno

MANILA, Philippines - Sa edad na 55, patuloy pa rin ang paghakot ng karangalan ni 6-time world bowling champion Paeng Nepomuceno.

Ipinakita ni Nepomuceno na kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga tiniti­­ngala sa sport sa ngayon nang talunin ang dating world champion at Asian Games gold medalist Biboy Rivera, 255-211 at 226-208, para kunin ang 1st ABC-Boysen Open title na pinaglabanan noong Linggo sa E-Lanes Bowling Center sa Greenhills, San Juan City.

Pumangalawa si Nepomuceno sa Masters elimina­tion tangan ang 241 average, na kinatampukan ng per­fect game (300) sa 12-games.

Si Rivera ang nanguna sa 243 habang ang SEAG singles gold medalist na si Frederick Ong ang pumangatlo sa 232.

Naunang naglaban sina Nepomuceno at Ong sa one-game stepladder na pinagwagian ng una, 226-223, para makatapat si Rivera sa championship.

“It feels good to be able to keep with the bowlers much younger than me,” wika ni Nepomuceno.

 Ito na ang ika-124th Masters title ni Nepomuceno sa 49 taong paglalaro ng bowling, bagay na maaring hindi na mabura sa loob ng mahabang taon.

Show comments