PSA Awards Night pasasayahin ni Kleiner

MANILA, Philippines - Bibigyan ng ningning ni beauty queen, model at tv-host actress Krista Kleiner ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night bilang guest performer bukas sa Manila Hotel.

Ang Fil-American, ipinanganak at lumaki sa Orange County, California sa isang Filipina at Briton, ay tinanghal na Bb. Pilipinas-International noong 2010.

Sa kanyang pagsali sa Miss Philippines-International ang nakatawag ng pansin kay international balladeer singer Julio Iglesias na humiling na makasama niya sa world tour.

Si Kleiner ang naging special guest ni Iglesias sa kanyang mga concert sa Australia, Malaysia, Philippines, Japan, Hawaii, Canada, New York, Indiana at Las Vegas.

Bukod sa pagiging isang beauty queen, si Kleiner ay may hawak ding black belt sa taekwondo at nakakuha ng mga awards sa swimming at tennis tournaments.

Si Kleiner ang pinakahuling guest performer na mapapanood sa event na inihahandog ng Philippine Sports Commission (PSC), Coca-Cola at Milo bukod pa sa The Dawn at Mojofly, comedienne Marissa Sanchez, Triz Reyes, Kyla at Karylle. 

Sina world No. 1 pool player Dennis Orcollo at reig­ning World Boxing Organization (WBO) super-bantamweight champion Nonito Donaire Jr ang co-winner ng Athlete of the Year honor.

Show comments