MANILA, Philippines - Kailangan ng mahabang pagsasanay ang isang koponan upang magtagumpay ito sa mga malalaking kompetisyon na kanilang sasalihan.
Ito ang mensahe ni Malaysian coach Datuk K. Rajagobal na ang koponang Malaysian Tigers ang tinitingala sa larangan ng football sa South East Asia matapos angkinin ang kampeonato sa AFF Suzuki Cup at SEA Games.
“After winning the Suzuki Cup, everybody’s asking us how we did it. I’d answer it’s simple, we have to start from the every basic, the youth and grassroots level,” wika ni Rajagobal.
Idinagdag pa nito na ang koponang hinahawakan ay mula sa under-19 team na binuo noon pang 2003 at nahinog ang mga ito sa paglalaro sa malalaking torneo.
“It started from there. I kept most of the players together and it took from that year before we get to be champions in 2009 SEA Games and 2010 Suzuki Cup,” paliwanag nito.
Maliban sa pagpapalakas sa grassroots, dapat din tiyakin ng pamunuan ng football sa bansa na hindi mawawala ang interes ng tao sa sport na nabuhay dahil sa Azkals.
“The Philippines is in the right direction. Everybody is crazy after the AFF Suzuki Cup and youth want to play football. You should take advantage of that. You also must have a strong national league,” dagdag pa ni Rajagobal.
Kasalukuyang naglalaban ang Azkals at ang Malaysia para sa isang friendly game habang sinusulat ang balitang ito.