Bustamante iginanti si Reyes kay Ko sa Face Off Series

MANILA, Philippines - Uminit ang laro ni Francisco ‘Django’ Bustamante sa puntong umaalagwa na ang laro ni Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei para iu­wi ang 9-7 panalo sa ika­lawang edisyon ng 20­12 Philippine Bigtime Bil­liards (PBB) Face Off Se­ries noong Sabado sa PAG­COR Airport Casino sa Pa­rañaque City.

Hinawakan ni Ko ang 7-5 kalamangan ngunit big­lang lumamig ito at agad na ki­napitalisa ni Bustamante sa pag-angkin ng huling apat na racks.

“Medyo kinabahan ako noong nakalamang siya pero hindi ako nawalan ng tiwalang kaya ko itong ipanalo. Kailangan ko lamang na makuha ang isang rack dahil winner’s break ito,” wika ni Bustamante.

Ang panalo ay pangganti rin ng 48-anyos na cue artist mula Tarlac City matapos daigin ni Ko ang kanyang kumpareng si Ef­ren ‘Bata’ Reyes noong Peb­rero 18, 9-4.

 Magbabalik ang ak­syon sa Marso 3 sa pagkikita ni­na Lee Van Corte­za at Chang Jung-lin ng Chi­nese-Taipei at magkikita si­na Chang at Dennis Orcollo sa Marso 10.

Show comments