Matindi ang bakbakang magaganap sa 2012 PRISAA

MANILA, Philippines - Mas malaki ang magaganap na tagisan sa Private Schools Athletic Association (PRISAA) mula Abril 22 hanggang 28 sa Cebu City.

Ito ay dahil sa paglaki ng bilang ng sports na pag­lalabanan sa taong ito ay nasa 18 na kasama ang 11 individual sports.      

Ang mga ito ay ang athletics, swimming, boxing, badminton, chess, karatedo, lawn tennis, taekwondo, judo, dance sports at table tennis. Ang team events ay sa larangan ng basketball, baseball, beach volley, volleyball, sepak takraw, softball at football.

Lahat ng 17 rehiyon sa bansa ay darating para ma­kipagtagisan sa ibang de­legasyon at inaasahang papalo sa 6,000 ang mga atleta, coaches at officials na bibisita sa Cebu.

Para matiyak na magi­ging maayos ang officiating ay magkakaroon muna ng training the trainors seminar bago gawin ang torneo.

Tulad ng Palarong Pam­bansa, layunin ng kompe­tisyong bukas para sa mga mag-aaral na nasa pri­badong paaralan na bigyan sila ng pagkakataong maipakita ang ang­king galing sa larangan ng palakasan upang matukoy ang mga ito sa iba’t ibang pambansang koponan.

Ilan sa mga tiningala mula sa PRISAA ay sina Ly­dia de Vega, Mona Sulai­man, Andres Franco at Lolita Longrosa sa athletics, Susan Papa, Ral Rosario Pedro Cayco, Parsons Nabiula at Williams Wilson ng swimming.

Show comments