Big City swimmers lumangoy ng 19 gold

ILOILO CITY, Philippines --Pinatindi pa ng National Capital Region ang kanilang dominasyon sa Day 5 ng 2012 National SCUAA (State Colleges and Universities Athletic Association) Olympics dito sa Iloilo Sports Complex.

Sa likod ni Hazel Ecleo, kumuha ang NCR ng 19 sa 42 gold medals na inilatag sa swimming para matiyak ang pag-angkin sa overall championship sa event na pinangangasiwaan nina Dr. Pablo E. Subong ng West Visayas State University, Dr. Benny Palma ng Carlos Hilado Memorial State College at Dr. Luis Sorolla ng West Visayas College of Science and Technology.

Sumegunda naman ang Region 3 (Central Luzon) sa kanilang hinakot na 11-5-4 kasunod ang host Region 6 (Western Visayas) na may 4-10-1.

Si Ecleo, kinatawan ang Rizal Technological University, ay nagdagdag pa ng anim na gold me­dals sa kanyang koleksyon para hirangin bilang winningest swimmer sa kanyang nakuhang walong gold me­dals.

Show comments