Bradley tiwalang mananalosa kanilang laban ni Pacquiao

MANILA, Philippines - Bagama’t inaasa­han nang magiging dehado sa kanilang laban, kumpiyansa pa rin si Timothy Brad­ley, Jr. na mananalo si­ya kay Manny Pacquiao.

Ayon sa 28-anyos na si Bradley, wala pang naka­ka­laban ang 33-anyos na si Pacquiao na mas bata sa kanya.

“Pacquiao hasn’t fought anyone as young and hungry like I am in a long time,” ani Bradley.

Kamakalawa ay lumagda na si Bradley ng isang $5-million fight contract kay Bob Arum ng Top Rank Pro­motions para sa ka­ni­lang laban ni Pacquiao sa Hun­yo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ito na ang magiging pi­nakamala­king fight purse na makukuha ng American fighter, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) light welterweight titlist.

Inilarawan ni trainer Freddie Roach na isang ‘dir­ty fighter’ at gumagamit ng kanyang siko at ulo pa­ra makapanlamang sa kan­yang kalaban.

Inamin naman ito ni Brad­ley.

“I am rough in there and I’m not afraid to mix it up,” wi­ka ni Bradley. “I know he’s phy­sical, too, but he hasn’t seen anyone like me in a long time.”

Hawak ni Pacquiao ang 53-3-2 win-loss-draw ring re­cord kasama ang 38 KOs kumpara sa 28-0-0 (12 KOs) card ni Bradley.

Idedepensa ni Pacquiao ang kanyang suot na WBO welterweight crown kon­tra kay Bradley.

Show comments