Barako bull sinuwag ang Alaska

MANILA, Philippines - Binuksan ng Barako Bull ang 2012 PBA Commissioner’s Cup sa pamamagitan ng isang malaking panalo.

Inilampaso ng Energy ang Alaska Aces, 98-78, tampok ang 25 points at 6 rebounds ni two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Ang produksyon ni Mil­ler ay mula sa kanyang 11-for-14 fieldgoals para sa 1-0 baraha ng Barako Bull.

Matapos agawin ang 39-34 lamang sa halftime, umarangkada naman ang Ener­gy sa pagtatala ng isang 19-point lead, 63-44, mula sa dalawang freethrows ni Mick Pennisi sa 3:11 ng third period.

Ipinoste ng Barako Bull ang isang 25-point advantage, 80-55, sa 8:35 ng fourth quarter galing sa basket ni Leo Najorda at hindi na nilingon pa ang Alaska.

Samantala, hindi naman natuloy ka­hapon ang emergency board meeting na tatalakay sa­na sa sinasabing pagbe­benta ng Coca-Cola sa ka­nilang Powerade franchise sa San Miguel Cor­poration.

“May proseso tayo sinu­sunod dito sa PBA tungkol di­yan sa pagbebenta ng mga prangkisa,” wika ni PBA Com­missioner Chito Salud.

Show comments