NCAA may gagawing desisyon

MANILA, Philippines - Nakatakdang magdesisyon ang NCAA policy board sa susunod na linggo ukol sa kanilang magiging official television coveror para sa 88th season sa Hunyo.

Tatalakayin rin ng NCAA policy board ang suntukang nangyari sa pagitan nina San Beda men’s basketball coach Frankie Lim at San Sebastian women’s volleyball squad mentor Roger Gorayeb noong Disyembre sa St. Placid Gym ng San Beda.

Sinabi ni Management Committee chairman Dr. Ra­mon Cercado ng season host Perpetual Help na nag­sumite na sila ng rekomendasyon sa league board ni chair­man by Anthony Tamayo ng Perpetual.

"We've already sent our recommendations and it's now up to the policy board to decide on it," wika ni Cercado.

Para sa kanilang magiging television coveror, nag-alok ang Studio 23 ng isang five-year contract extension, habang isang three-year deal naman ang inilatag ng AKTV ng Channel 13, mas malaking pondo, isang weekend slot at maraming coverages bukod sa basketball at volleyball ang isinama sa kanilang package.

Show comments