Pinoy Pride XII presscon nilindol

Cebu City, Philippines  – Naantala ang press conference para sa Pi­noy Pride XII matapos yanigin ng isang 6.8 magnitude quake.

Nilindol ang ilang bahagi ng Cebu at Negros at nagkaroon ng ilang kaguluhan bunga ng tsunami scare.

Ngunit matapos ang isang oras ay naituloy ang natu­rang press conference.

Inihayag ng ALA Promotions ang pagbandera ni Rey ‘Boom Boom’ Bautista ng Candijay, Bohol sa isang blockbuster card na nakatakda sa Marso 3 sa Carlos P. Garcia Sports Complex sa Tagbilaran City, Bohol.

Makakalaban ni Bautista si Genaro Garcia ng Mexico.

Show comments