SMBeer nadiskaril sa Slingers

MANILA, Philippines - Lumaylay ang laro ng San Miguel Beermen sa endgame upang lasapin ang ikalawang kabiguan sa apat na laro sa Singapore Slingers, 71-63, sa idinaos na 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) nitong Miyerkules sa Si­ngapore Indoor Arena.

Si Filipino import Don Dulay ay mayroong 23 pun­tos habang solidong numero rin ang ibinigay ng mga imports na sina Louis Graham at Donald Little para maagaw ng Slingers ang liderato sa walong koponang liga sa 4-1 baraha.

May 19 puntos at 11 re­bounds si Dalron Johnson para sa Beermen na nalag­lag sa ikalimang puwesto kasalo ng Bangkok Cobras na pinatikim ng unang pagkatalo ang da­ting namamayagpag na Westports Malaysia Dra­gons, 73-70.

Kasalo ng Dragons sa ikalawang puwesto ang AirAsia Philippine Patriots na nangibabaw sa Saigon Heat, 76-62, nitong Miyer­kules ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Show comments