NLEX vs Freego sa Aspirants' Cup Finals

MANILA, Philippines - Kinailangan lamang ng NLEX Road Warriors ang unang 10 minuto sa tagisan nila ng Big Chill upang maiparamdam na sila ang nagdedepensang kampeon nang iuwi ng koponan ang 89-60 dominasyon sa PBA D-League Aspirants’ Cup do-or-die semifinals match kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May tig-16 puntos si­na RR Garcia at Calvin Abueva at nagsanib sa ka­­buuang 21 puntos sa first half upang ilayo sa halftime ang Road Warriors sa 25 puntos, 43-18.

May walong rebounds at 2 assists pa si Abueva upang maibangon ang sa­rili matapos mapatawan ng one-game suspension sa Game 2 dahil sa pananakit kay Jessie Collado.

 Si Chris Ellis ay naghatid pa ng 12 puntos habang si Clifford Hodge ay may 11 rebounds para sa NLEX na haharapin ang napahi­ngang Freego Jeans sa best-of-three finals na bu­buk­san sa Huwebes sa na­sabi ring venue.  

Show comments