Phl Water Runs itatakbo ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang dadagsa ang mga runners sa pag-a­agawan para sa kara­ngalan sa tatlong divisions sa third leg ng Philippine Water Runs (PR) na pakakawalan ngayong umaga sa Marikina City.

Pangungunahan ng Ma­rikina City officials sa pangunguna nina Mayor Del De Guzman at Vice Mayor Fabian Cadiz ang pagpapakawala sa mga mananakbo sa alas-6 ng umaga.

Malaking premyo ang nakataya sa 3K, 5K at 10K runs kung saan ang na­turang event ay suportado ni Presiden­tial Adviser on Environmental Protection Neric Acosta, isang three-term congressman mula Bukidnon, at Burlington In­dustries Phils (BIP) Inc, gumagawa ng Burlington BioFresh.

Matatandaan na libu-libong runners ang lumahok sa nakaraang dalawang leg ng nasabing karera na idinaos sa Vigan at Naga.

Show comments