MELBOURNE, Australia - Magtutuos ang dati at kasalukuyang Wimbledon winners na sina Maria Sharapova at Petra Kvitova sa semifinal round ng Australian Open.
Ito ay matapos magtala ni Sharapova ng 6-2, 6-3 panalo laban sa kababayang si Ekaterina Makarova, sinibak si five-time champion Serena Williams sa fourth round.
Umabante naman si Kvitova sa semifinals mula sa kanyang 6-4, 6-4 tagumpay kontra kay unseeded Italian Sara Errani.
Nauna nang tinalo ni Kvitova si Sharapova sa 2011 Wimbledon finals para sa kanilang kauna-unahang Grand Slam title.
Binuhay din nina Sharapova at Kvitova ang kanilang pag-asa para sa top ranking na babakantehin ni Caroline Wozniacki sa Lunes matapos ang kanyang quarterfinal loss kay Kim Clijsters.