MANILA, Philippines - Pinadapa ng Arellano University ang guest team na Lyceum of the Philippines, 25-13, 25-19, 21-25, 25-20, para palakasin ang kanilang tsansa sa huling dalawang tiket sa Final Four sa 87th National Collegiate Athletics Association women’s volleyball tournament sa Ninoy Aquino Stadium sa Adriatico St., Manila.
Itinaas ng Lady Chiefs ang kanilang baraha sa 5-3, habang nahulog sa 4-4 ang marka ng Lady Pirates na nagpatalsik sa kanila sa torneo.
Para makapasok sa Final Four, kailangang talunin ng Lady Chiefs ang semifinalists Perpetual Lady Altas (8-0) sa Biyernes para sa huling araw ng elimination round.
Sa iba pang women’s match, tinalo ng sibak nang College of St. Benilde Lady Blazers ang Mapua, 25-5, 25-8, 25-9, para sa kanilang 2-6 rekord kumpara sa 0-9 ng Lady Cardinals.