OKLAHOMA CITY — Tinanghal ang Oklahoma City Thunder na unang koponan na nanalo ng tatlong dikit sa tatlong sunod na gabi.
Tumipa si Kevin Durant ng 21 points at 10 rebounds, habang may 20 markers si reserve James Harden para ihatid ang Thunder sa 108-96 panalo laban sa San Antonio Spurs.
“I just think the big thing was not to dwell on it and not make too much out of it. It’s not sometimes as bad as people think,” ani Nick Collison, humakot ng 12 points at 10 rebounds para sa Thunder.
Ipinahinga ng Thunder ang kanilang mga starters throughout sa fourth quarter matapos magtayo ng isang 22-point cushion sa third period laban sa Spurs.
Hindi naglaro para sa San Antonio sina Manu Ginobili (broken left hand) at point guard Tony Parker na nilisan ang laro sa third quarter.
Hindi na rin nakabalik sa laro si DeJuan Blair matapos ang cramps niya sa halftime.
Nagtungo si Parker sa kanilang lock room sa umpisa ng isang 25-8 run ng Oklahoma City.
Isang driving layup ni Russell Westbrook, three-point play ni Serge Ibaka at three-point shot ni rookie Reggie Jackson sa huling 7 segundo ng third quarter ang nagbigay sa Thunder ng 91-67 lamang kontra sa Spurs.
Sa iba pang laro, binigo ng Orlando ang Sacramento, 104-97; ginitla ng Los Angeles Lakers ang Memphis, 90-82; tinalo ng Minnesota ang Washington, 93-72; pinayukod ng Phoenix ang Milwaukee, 109-93; at dinaig ng Portland ang Cleveland, 98-78.