Abueva pararangalan sa Collegiate Basketball Awards

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni San Sebastian star Calvin Abu­eva ang listahan para sa Mythical Five sa pagdaraos ng UAAP-NCAA Press Corps at SMART ng taunang Collegiate Basketball Awards sa Enero 21 sa Ga­teway Suites sa Cubao, Que­zon City.

Nasa grupo rin ang apat na varsity stars na mi­yem­bro ng Sinag Pilipinas na kumuha ng gintong me­dalya sa nakaraang 26th Southeast Asian Games sa Indonesia.

Makakasama ni Abueva, ang NCAA Most Valuable Player, sa Mythical Five sina Greg Slaughter at Kiefer Ravena ng Ateneo, Garvo Lanete ng San Beda at UAAP MVP Bobby Ray Parks, Jr. ng National University.

Ang 6-foot-4 na si Abueva ang gumiya sa Stags sa NCAA Finals sa ikatlong sunod na season.

Binanderahan rin ng pam­bato ng Pampanga ang San Sebastian sa ma­kasaysayang paghaha­ri sa 2011 Philippine Collegiate Champions League.

Ang Stags ang naging NCAA team na kumopo sa national crown.

Sina Slaughter at Rave­na naman ang tumulong sa Blue Eagles sa pag-angkin sa kanilang pang apat na sunod na UAAP crown.

Si Garvo ang namuno sa pagsakmal ng SBC Red Lions sa record-tying 16th NCAA championship.

Show comments