MANILA, Philippines - Namatay noong Martes ng gabi ang anak ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na si Juan Javier dahilan sa atake sa puso sa Bacolod City.
Ang 38-anyos na si Juan Javier ay sakay ng kanyang motorsiklo kasama ang kanyang mga kaibigan nang bigla siyang huminto.
Nagreklamo siya ng pagkahilo at kumulapso kasunod ang pagdadala sa kanya sa ospital.
Inulila ni Juan Javier ang kanyang inang si Ma. Regina (nee Jalandoni), mga kapatid na sina Julian Edgardo, Jose Ricardo Jr. at Ma. Cristina Consuelo, asawang si Jenny (nee Llamas), mga anak na sina Pablo, Gus at Santana.
Ang kanyang mga labi ay nakatakdang dalhin sa Sanctuario de San Antonio Church sa Forbes Park, Makati City.
Ang burol ay ihahayag.