CHICAGO – Sinabi ni Derrick Rose na wala nang nakakapagbigay sa kanya ng kasabikan. Ngunit maaaring ang isang maximum contract extension.
Pumayag ang reigning MVP sa isang five-year contract extension sa Chicago Bulls na nagkakahalaga ng $94 million.
Nauna nang inihayag ng The Chicago Tribune ang naturang kasunduan.
Ang extension contract ni Rose ay magsisimula sa 2012-13 season kung saan maaaring tumanggap si Rose ng $16 million.
Nagtakda ang Bulls ng isang news conference.
“It’s something big, but I think I want to talk more about it (Wednesday), with my family and everybody being there,” sabi ng Bulls’ star point guard matapos ang kanilang preseason game. “But it’s definitely something big.”
Wala nang reklamo ang kanyang mga kakampi.
“We’re all very excited for him,” wika ni Carlos Boozer. “He deserves it. He puts in a lot of effort. I wish the contract was for 10 years.”
Makakasama ni Rose sa backcourt si Richard Hamilton na pumirma ng kontrata sa Bulls noong nakaraang linggo sa kabila ng paghahabol ng Detroit Pistons.
“He works hard,” ani Hamilton. “He’s young. He’s 23 years old and the way he plays on the floor is the way he practices. In order to be great in this league, you just can’t turn it on (during) games. He really has a great work ethic.”