Gomez bigo kay Chang sa PBB Face-Off Series

MANILA, Philippines - Bumigay si Roberto Gomez sa mainit na pagbangon ni Chang Jung-lin ng Chi­nese-Taipei upang maisuko ang 9-7 kabiguan sa Philippine Bigtime Billiards Face-Off Series kamakalawa ng gabi sa PAG­COR Airport Casino sa Parañaque Ci­ty.

Hinawakan ni Gomez ang 2-0 at 3-1 ka­lamangan pero hindi niya napangata­wanan ang maagang pag-arangkada upang mapatunayan na tama ang betting odds na naglalagay sa kanya bilang dehado sa bakbakan.

Nagkatabla ang magkabilang kampo sa 3-all, 4-all at 6-all at sa 13th rack ay tulu­yang inabot ng malas ang tinaguriang ‘Superman’ sa pool nang naisablay ni Gomez ang mahalagang 9-ball sa race -to-9, 10-ball winner’s break format ng kom­petisyon.

“Nakalamang siya sa unang pagkaka­taon sa error ko na iyon at ito ang naging tur­ning point ng laban namin,” pahayag ni Go­mez na nakontento sa $2500 premyo.

Nagtabla pa ang dalawa sa 7-7 pe­ro kumulapso si Gomez mula rito at agad na sinamantala ni Chang sa pagwalis sa huling dalawang racks.

Show comments