PANABO CITY ,Philippines --Sumuntok ng kabuuang 11 gintong medalya ang mga boxers ng Davao del Norte sa pagtatapos ng PLDT-ABAP Mindanao Tournament dito sa New Pandan covered court.
Ang mga kumuha ng ginto ay sina Jake at Jade Borneo, Christian Laurente, Louille Roy Inson, Rabicycle Gabriel, Rolen Aivan Magarce, Joey Canoy at Welander Hersalla.
At matapos ito, sinabi ni ABAP executive director Ed Picson na ang Visayas tournament sa Dumaguete ang itatakda nila sa Enero ng 2012 kasunod ang National Championship sa Tagbilaran sa Pebrero.
Ikinatuwa naman ni Ricky Vargas, ang pangulo ng Maynilad Water at ABAP ang pagsuporta ng mga boxing fans sa nasabing five-day tourney.
“PLDT-ABAP’s program has a strong grassroots pipeline,” sabi ni Vargas.
“This was started three years ago and we are reaping the fruits of our labor, thanks to boxing stakeholders like Panabo and MisOr. But there is a lot more to do and we remain focused and determined,” dagdag pa nito.
Limang ginto naman ang kinuha ng General Santos City mula kina Jake at Jade Bornea ng Bula sa dating Dadiangas City nagwagi sa 48 kg. light flyweight at 50 kg. flyweight categories, ayon sa pagkakasunod.
Ang Misamis Oriental ang kumuha ng unang dalawang ginto sa 24 kg. at 26 kg. kids divisions.
Mula sa walong boxers, apat rito ang nagbigay ng gold medals sa Misamis Oriental mula kina Julito Sumalinog (52 kg.) at Jerson Ladrada (54 kg) sa junior boys division.