Pacman nais maging masaya sa kaarawan

MANILA, Philippines - Ang gusto lamang ni Manny Pacquiao ay magsaya.

“That’s all. Just have a good time,” sabi ni Freddie Roach kahapon bago ang pagdiriwang ni Pacquiao ng kanyang pang 33 kaarawan ngayon.

Nasa Los Angeles, California si Roach, nakasama si Pacquiao noong 2001, at hindi makakadalo sa kaarawan ni ‘Pacman’.

Ngunit tiniyak ng five-time Trainer of the Year awardee na magtutungo siya sa bansa sa Enero ng susunod na taon.

Ayon kay Roach, makakasama niya sa biyahe si Top Rank chief Bob Arum para pag-usapan ang su­su­nod na laban ni Pacquiao.

“I’ll be there,” wika ni Roach.

Sinabi ni Roach na gusto ng mga boxing fans na makaharap ni Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. 

Show comments