4 na dikit sa Sea Lions sa NCRAA

MANILA, Philippines - Umiskor si John Lascunas ng limang puntos sa huling walong segundo sa final canto para pangunahan ang 91-84 panalo ng Olivarez College Sea Lions kontra sa Rizal Technological University Blue Thunder sa 19th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament sa RTU gymnasium sa Mandaluyong.

Nagtala si Lascunas ng 13 points para sa pang apat na sunod na panalo ng Sea Lions.

Ang basket ni Eldridge Corpus mula sa kanyang agaw kay Jopeth Quiro sa huling 24 segundo ang nagbigay sa Sea Lions ng 86-84 lamang.

Binanderahan ni John Flores ang Sea Lions sa kanyang 29 points, kasama ang 13 sa final canto laban sa Blue Thunder.

Naglista naman si Tristan Pagente ng 25 points sa panig ng Blue Thunder.

Ang tres at dalawang charities ni Lascunas sa natitirang walong segundo ang sumelyo sa tagumpay ng Olivarez sa RTU.

May 4-0 baraha ngayon ang Sea Lions kasunod ang Philippine Merchant Marine School Mariners (3-0), kumuha ng 75-62 panalo laban sa PATTS College of Aeronautics noong Miyerkules.

Nagtala si Sany Trinidad ng 19 points, habang may 17 si Elmar Moradas para sa 83-58 pananaig ng PMMS laban sa La Salle-Dasmariñas.

Show comments