Aguilar 'di nakaporma kay Stapleton

MANILA, Philippines - Tinalo ni American rider Dennis Stapleton si hometown bet Glenn Aguilar para dominahin ang Pro Open division sa penultimate leg ng   2011 Enersel Forte Na­tional Motocross Series and Word Motocross Series sa Sta. Barbara, Iloilo.

May agwat na tatlong puntos, 22-25, kay Aguilar ma­karaan ang opening heat, ang 29-anyos na pambato ng Los Baños, California ay humarurot upang makopo ang ikalawa at final heat para iwanan ang Filipino ace bagamat kapwa nagtapos ang dalawa ng tig- 47 points.

SI Bornok Mangosong ang humugot ng ikatlong puwesto sa kanyang naitalang 38 points sa event na isponsor ng   Enersel-Forte vitamin syrup, Therasil lo­zenges, Bridgestone tires at Team Pacquiao.

Nanguna si Jose Acaban III sa Novice Local Enduro division sa kanyang 45 points kasunod sina Edgar Dajay (43) at DJ Barretto (38).

Naging dikitan din ang harurutan sa Executive class kung saan si Cher Acosa ay nanaig kay Manny Pacquiao trainer-confidant Buboy Fernandez, na tinangkang makaalpas sa paghugot ng ikalawang heat ngunit kinapos ng 5 puntos sa likod ng kampeon.

Show comments