Imbestigasyon sa pambubugbog kay Gorayeb gugulong na

MANILA, Philippines - Hindi palalampasin ng pamunuan ng NCAA ang mga may sala sa pambu­bugbog na nangyari kay San Sebastian women’s volleyball coach Roger Go­ra­yeb sa kamay ng San Be­da men’s basketball team.

Ito ang inihayag ni Ma­nagement Committee chairman Dr. Ramon Cercado ng Perpetual Help kasabay ng paghimok din sa publiko at media na maging ma­pag­pasensya dahil hindi agarang maibibigay ito ng walang masinsinang imbes­tigasyon.

“We are appealing to everybody concerned, in­clu­ding the media, for so­briety. To be fair to everyone involved, we have to follow certain procedures to resol­ve this issue to everyone’s satisfaction,” pahayag ni Cercado.

Bumubuo na ang Mancom ng isang komite na siyang susuri sa tunay na nangyari at mangangalap ng ebidensya upang pagba­yarin ang may sala.

At hindi ang volleyball committee na binubuo rin nina San Beda athletic director Jose Mari Lacson at San Sebastian athletic director Frank Guci, ang ha­hawak nito kundi mga taong walang kinalaman sa palaro para maging patas ang mga ito.

“We have to be transpa­rent and as democratic as possible in dealing with this issue. But we will act on it immediately as soon as the evidences and the reports have been submitted,” dagdag pa ni Cercado.

Bugbog-sarado si Gora­yeb sa kamay ng mga Lions na sinasabing kinabilangan ni head coach Frankie Lim matapos ang palitan ng ma­aanghang na pananalita matapos ang akusasyon ng Lions na ibinato sa Stags volleyball team na tinawag nilang unggoy ang Nigerian player na si Olaide Ade-ogun.

Samantala, pupuntir­yahin ng host Perpetual Help ang 4-0 karta sa wo­men’s volleyball sa pag­ha­rap sa Jose Rizal University dakong alas-10 ng umaga sa Letran gym.

Ang iba pang laro ay sa pagitan ng Mapua at Lyceum sa women’s at men’s division mula alas-8 ng umaga habang ang hu­ling laro dakong alas-11ng tanghali ay sa pagitan ng Altas at Heavy Bombers.

Show comments