Patriots naka-buwenamano sa Vanguard

DASMARIÑAS, Cavite, Philippines  -- Sinamantala ng La Salle-Dasmariñas Patriots ang kakapusan sa opensa ng Emilio Aguinaldo College-Cavite Vanguard para ku­nin ang 69-61 sa pagsisi­mu­la ng 19th National Ca­pital Region Athletic Asso­ciation (NCRAA) men’s basketball tournament.

Sumandal ang Patriots sa mga inside plays nina Cris Torres at Harold Vinluan sa third period patungo sa kanilang unang panalo.

Sina Torres at Vinluan ang nagbangon sa Pa­triots mula sa 38-42 agwat sa halftime para iwanan ang Vanguards sa 50-41 sa torneong suportado ng Molten, Mikasa at ANI AgriNurture Inc.

“Naglaro nang maigi ang mga bata. Nagkaroon sila (Vanguard) matchup problems nu’ng mawala iyung point guard nila,” sabi ni Patriots’ new coach Macky Torres.

Bumandera si Jeo­ffey Acain para sa Patriots sa kanyang 18 points, nagdag­dag sina Torres at Vinluan ng 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

Show comments