Petron pinagtibay ang kapit sa ikatlong puwesto makaraang payukurin ang Barako Bull Energy

MANILA, Philippines - Nilimitahan ng Petron Blaze ang Barako Bull sa apat na puntos sa huling tatlong minuto upang hagipin ang 75-66 tagumpay sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

May 21 puntos mula sa bench si Denok Miranda at ang kanyang three-point shot ang tumapos sa 9-0 bom­ba na nagtulak sa kan­yang koponan mula sa 60-62 iskor patungo sa 69-62 kalamangan may 2:30 sa orasan.

 “Ang inilaro ni Denok ay kagaya ng kanyang ini­laro sa championship ga­me last conference. Off ‘yung shooters namin but De­nok stepped up. Lordy Tu­gade also stepped up and he’s a big help,” wika ni head coach Ato Agustin na winalis rin ang head-to-head nila ni Barako coach Ju­nel Baculi matapos ang 95-83 tagumpay sa una ni­lang pagtutuos.

Si Tugade na sumabak sa unang laro matapos ma­lagay sa injury list ay may­roong 11 puntos.

Siyam rito ay ginawa ni Tu­gade sa first half dahilan upang makahabol ang Pe­tron mula sa 10-puntos pag­kakalubog sa Barako Bull papunta sa 51-52 paghahabol sa halftime

Mula rito ay palitan ng mo­mentum ang nakita sa laro ngunit sa huli ay pu­manig ito sa Petron para ma­natiling nakadikit sa mga nangungunang Talk N’ Text at Rain Or Shine sa ka­rera para sa dalawang outright berths sa semifinal round ng season-opening con­ference.

May 7-1 rekord ang Talk ‘N Text kasunod ang Rain or Shine (7-2), Pe­tron Bla­ze (7-3), Meralco (6-4), Ba­rako Bull (5-4), B-Meg (5-4), Ginebra (4-4), Po­werade (3-6), Alaska (1-7) at Shopinas.com (0-10).

Nag-ambag si Arwind San­tos ng 15 points para sa Boosters.

Kasalukuyan pang nag­la­laro ang Tigers at ang Aces habang isinusulat ito.

Show comments