MANILA, Philippines - Papayag lamang si Juan Manuel Marquez na muling harapin si Manny Pacquiao sa ikaapat na pagkakataon kung bibigyan siya ng guaranteed $25-million purse.
Ito ang naging kondisyon nina Marquez at trainer Nacho Beristain sa panayam ng Boxingscene.com.
"That only shows that they realize Juan Manuel had a clear win over Pacquiao. Otherwise, they wouldn't show this much interest in making a fourth fight,” ani Beristain.
Isang majority decision win ang nakuha ng 32-anyos na si Pacquiao, tumanggap ng guaranteed $22 milyon, sa kanilang pangatlong laban ng 38-anyos na si Marquez, nagbulsa ng $5 milyon, noong nakaraang Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions, kung gusto ng mga fans na magtakda siya ng Pacquiao-Marquez IV ay gagawin niya ito sa susunod na taon.
“They have Pacquiao, the goose who lays the golden eggs and produces a lot of money, but this past Saturday he became a plucked chicken," pambubuska ni Beristain.
Nag-iisip naman ang Team Marquez na magsampa ng demanda laban sa tatlong judges na nagdesisyon sa panalo ni Pacquiao kay Marquez.
Nagbigay sina judges Dave Moretti at Glenn Trowbridge ng 115-113 at 116-112 points para kay Pacquiao, habang 114-114 naman ang tingin ni Robert Hoyle.
"We want to do that because there is a precedent in New York, where the court decided to root out corrupt judges for life. They are judges who had their licenses canceled forever," sabi ni Beristain.