3 koponan asam ang unang panalo sa Aspirants' Cup

MANILA, Philippines - Tatlong koponan na hin­di pa nana­nalo ang magpi­pi­lit na matapos ang kalbar­yo sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa FEU Gym.

Isa sa Cobra Energy Drink at Café France ang ma­papasok sa win-column sa kanilang pang alas--2 ng hapon na laro, habang ang PC Gilmore ay mapa­palaban sa inspiradong RnW Pacific Pipes sa alas-4.

Kung pagbabasehan ang huling laro, mapapa­boran ang Bakers dahil na­kalamang sila ng malaki ba­go kumulapso sa hu­ling yugto patungo sa 76-80 kabiguan sa Steel Masters ka­makalawa.

Gamit ang mga bagong Fil-Ams na sina Virgil Buen­su­ceso at Jordan Sanvicto­r­es na tumapos ng 19 at 17 puntos sa huling laro, ayon sa pagkakasunod, na­niniwala si Steel Masters coach Topex Robinson na ma­kakapagbigay sila ng ma­gandang laban.

Ngunit di dapat ang la­bis na kumpiyansa sa na­sa­bing koponan dahil kahit 0-2 ang Wizards, inaasa­hang makakapagbigay sila ng mas magandang laban nga­yon dahil maglalaro na si­na Fil-Ams Kelly Nabong at Alfred Mandani.

 Sina Nabong at Man­da­ni na dating kumampan­ya sa Ce­buana Lhuillier, ay ma­aari nang maglaro ma­­tapos makuha ang mga ki­­nakailangang dokumento mu­­la sa BID.

Show comments