Freego Jeans ginulantang ang Cebuana

MANILA, Philippines - Hindi dapat biruin ang Freego Jeans sa 2011 PBA D-League Aspirants Cup.

 Ito ay matapos nilang kalusin ang dating walang ta­long Cebuana Lhuillier, 71-66, upang masolo ang liderato sa liga sa 4-0 kahapon sa Jose Rizal University Gym.

May 14 puntos si Eric Camson habang 12 at 11 ang hatid nina Lionel Manyara at Bacon Austria pero ang nag­panalo sa koponan ay ang matinding depensa na nag­resulta sa apat na errors ng Gems upang mabalewala ang pagdikit nito sa 64-62.

Unang kabiguan ito ng Gems matapos ang tatlong su­nod napanalo kung saan nasayang ang 21 puntos ni Vic Ma­nuel.

 Itinabla naman ng Boracay Rum ang karta sa 2-2 nang manaig sa Cobra Energy Drink, 70-56, sa unang laro.

May 16 puntos si Erwin Cornejo at 12 rito ay kanyang ginawa sa first half para tulungan ang Waves na ilayo sa first half sa 35-22.

Show comments