Maierhofer, Maliksi gustong kunin ng Ginebra

MANILA, Philippines - Nasasangkot sa isang three-team trade ang Barangay Ginebra, B-Meg at Barako Bull.

Gustong mahugot ng Gin Kings sina Rico Mai­­er­­hofer ng Llamados at rookie Allein Ma­lik­­si ng Energy.

Ipapalit ng Ginebra kay Maierhofer si 6-foot-8 Yancy De Ocampo, ha­bang ipamimigay nila sa Barako Bull si Jimbo Aqui­no at ang kanilang 2014 at 2015 second round draft picks.

Si PBA Commissio­ner Chito Salud ang mag­dedesisyon kung ma­tutuloy ang nasabing mga trade deals.

Samantala, papatatagin pa ng Talk N’Text ang pag­kakakapit sa liderato sa eli­mination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup sa pagharap sa Shopinas.com. ngayong alas-5:15 ng hapon sa Smart-Araneta Co­lise­um.

Angat sa laban ang Tro­­pang Texters na balak ku­­nin ang ika-pitong panalo sa walong laban sa ka­nilang pa­kikipagtagisan kon­tra sa Clic­kers.

Tangan ng Talk ‘N Text ang liderato sa bisa ng ka­nilang 6-1 rekord kasunod ang Rain or Shine (7-2), Pe­tron Blaze (6-3), Barako Bull (5-3), Meralco (5-4), B-Meg (5-4), Ginebra (4-4), Po­werade (3-5), Alaska (1-7) at Shopinas.com (0-8). 

May apat na sunod na pa­nalo ang Tropang Texters ni coach Chot Reyes at napahinga sila ng isang ling­go.

Ang Clickers ni coach Franz Pumaren ay hindi pa nakakatikim ng panalo ma­tapos ang walong laro.

Magtutuos naman ang Me­ralco at Powerade sa ika­lawang laro sa alas-7:30 ng gabi.

Show comments