POC kumpiyansa pa rin sa tsansa ng Team Phl sa SEAG

PALEMBANG, Indone­sia --- Sa kabila ng di ga­a­nong produktibong perfor­man­ce ng pambansang at­leta sa 26th Southeast Asian Games, kumpiyansa pa rin ang Philippine Olympic Committe (POC) na ma­lalampasan ang 38 gintong me­dalya na naiuwi sa Laos SEAG.

Ito ang pa­hayag ni depu­ty Chef De Mission Romeo Ma­gat.

Sinabi ng dalawa na si­mula ngayong araw ay mag­sisimula nang humakot ang pambansang atleta ng me­dalyang ginto sa mag­ka­hi­walay na lugar sa Jakarta, West Java at sa main hub na Palembang.

Ayon kay Magat, may ilang sports disciplined na si­gurado nang makakasung­kit ng gintong medalya ang mga atleta.

"So far, satisfied naman ka­mi sa performance ng mga athletes dahil yung ibang events na malakas ang Pilipinas, lalaruin sa mga darating na araw," wika ni Magat na siya ring secre­ta­ry-general ng Philippine Lawn Tennis Association.

Kabilang sa inaasahang ha­hakot ng gintong medalya ang bansa mula sa lawn ten­nis, soft tennis, boxing, chess, soft­ball, weightlifting at wrest­ling.

Inaasahang ku­kubra ng apat na ginto ang mga bo­xers, habang tig-tatlo naman sa ten­nis, chess at wrestling.

Posible ring humakot ng ginto sa tennis, soft tennis, weightlifting, wrestling, bo­xing, chess at softball. 

Show comments