MANILA, Philippines - Maglalaban-laban ang mga batang taekwondo jins sa paghataw ng 2011 Smart National Age-Group Championships sa Nobyembre 19-20 sa Ninoy Aquino Stadium.
Humigit-kumulang sa 1,000 jins ang magtatapat sa junior men at junior women (14-16-anyos) at sa grade school (boys at girls’ 13-anyos pababa).
Sinabi ni organizing committee chairman Sung Chon Hong na maipapakita ng mga age-groupers ang kanilang mga talento sa naturang torneo.
Si Hong ng Philippine Taekwondo Association ang nakaisip ng pagpapakilala ng taekwondo sa mga bata.
Ang taekwondo ang palagiang nahuhugutan ng medalya ng bansa sa mga Olympic Games, Asian Games at Southeast Asian Games.
Ang age-group competition ay suportado ng Philippine Sports Commission, Smart Communications, MVP Sports Foundation, PLDT at Milo.