Big Chill gustong sumosyo sa liderato sa pakikipagtagpo sa DUB Unlimited

MANILA, Philippines - Bumalik sa pagsosyo sa liderato ang aasintahin ng Big Chill sa pagpapatu­loy ng elimination round ng 2011 PBA D-League As­pirants Cup ngayon sa Yña­res Arena sa Pasig Ci­ty.

May dalawang dikit na tagumpay ang Superchar­gers na babanggain ang wala pang panalong DUB Un­limited sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon.

Unang magsusukatan ng lakas ang Café France at RnW Pacific Pipes sa ga­nap na alas-2 ng hapon.

Kapwa nangangai­la­ngan ng panalo ang na­sabing da­lawang koponan pa­ra makaangat sa kina­lu­­­lu­garang puwesto sa team stan­dings.

Mas maganda ang karta ng Steel Masters dahil may isang panalo na sila sa tatlong laro habang ang Ba­kers ay may dalawang di­kit na kabiguan.

Ang mangungunang da­lawang koponan matapos ang single round robin eliminations ang diretsong aa­bante sa semifinal round, ha­bang ang mga teams na nasa ikatlo hanggang ika­anim na puwesto ay mag­lalaro sa quarterfinals.

Nasa unahan ang Ce­bu­­ana Lhuilier at Freego Jeans sa 3-0 karta kaya kung makaisa pa ang Big Chill ay magiging tatlo ang ma­mumuno sa naturang tor­neo.

Sina Raffy Reyes, Jessie Collado at Alex Mallari ang mga magtutulong-tu­long para sa koponan ng Big Chill, habang sina Jeric Teng, Raymond Aguilar at Bam Bam Gamalinda ang bubuno sa DUB Unlimited sa hangaring mawakasan ang nararanasang kamalasan.

Show comments