Makaganti kaya ang Shopinas?

Malupit din talaga ang ibang mga fans na talaga namang mayroong alam tungkol sa basketball. Dahil sa masugid nilang sinusubaybayan ang basketball sa Pilipinas mula sa national team, sa PBA, sa D-League, sa mga collegiate leagues at iba pa, kahit paano’y puwede din naman silang bumuo ng kanilang opinyon.

Kaya natin nasabi ito ay dahil sa may ilan akong mga kaibigang nababagot na sa kahihintay kung kailan makakapagposte ng panalo ang bagong prangkisang Shopinas.com sa PBA.

Noong Miyerkules ay na-excite na naman ang mga fans sa performance ng Clickers sa first half matapos na makabalik sila sa 22-9 abante ng Petron Blaze. Nai­baba nila ito sa isa, 44-43, bago tinapos ng Boosters ang second quarter sa pamamagitan ng isang basket para sa 46-43 abante sa halftime.

Pero doon na natapos ang excitement. Flat na lu­mabas ang Clickers buhat sa dugout at itinapon nila ang bola ng pitong beses sa third quarter. Hinayaan nila ang Petron Blaze na gumawa ng 21-0 atake at nag­wagi ang Boosters na may 25-point margin, 102-77.

Parang dalawang magkaibang koponan ang Sho­pinas sa first at second halfs ng game na iyon. At kung ikaw si coach Franz Pumaren, talagang mapa­pa­simangot ka. Imbes kasi na ipagpatuloy ng Clickers ang ratsadang sinimulan nila sa first half at bigla silang bumitaw.

Iyon ang ikawalong sunod na kabiguang sinapit ng Clickers sa sindaming laro. Sila na lang ang hindi pa na­kakatikim ng panalo sa torneo.

Kaya naman ang ta­nong ng ilang kaibigan ko, “Mananalo kaya ang Sho­pinas.com sa NLEX Road Warriors?”

Ooops! PBA D-League Foundation Cup champion iyon ah? Magkaibang liga iyan ah. Amateur ang N­LEX Road Warriors, eh! Pa­rang malaking insulto iyon sa isang professio­nal basketball team!

Pero kung titingnan ng maigi, parang solid nga ang NLEX Road Warriors at mahirap tibagin sa D-League. Sa kasalu­kuyang line-up nito ay tila anim ang miyembro ng Si­nag Pilipinas team na ka­lahok sa Southeast Asian Games sa Indone­sia. Ito’y sina Cliffordd Hoge (6’5), Chris Allen (6’6), Dave Marcelo (6-4), Garvo Lanete (6’2), Ryan Roose Garcia (6’0) at Emman Monfort (5’8).

Idagdag pa rito ang pangyayaring nasa po­der din ng NLEX Road Warriors ang BigThree ng San Sebastian Stags na sina Ian Sangalang (6’6), Ronald Pascual (6’3) at NCAA Most Va­luable Player Calvin Abu­eva (6’3).

Solid ang unang siyam na manlalaro ng NLEX. At kung halimbawang payagan ng PBA na ipanhik ang team na ito nang buong-buo sa PBA, marami itong pa­hihirapan.

Pahihirapan nga ba ni­to ang Shopinas.com?

Sa teorya siguro ay pu­wedeng sabihing ma­hi­hirapan ang Shopinas dahil wala pa itong naipakikita sa PBA. Pero magkaibang liga nga sila naglalaro at mahirap na ipagkumpara sa ngayon.

Nangangapa pa nga si­guro ang Shopinas.com sa PBA pero hindi na­tin ma­sasabing kulang sa pag­titiyaga ang Clic­kers ni Pumaren.

Show comments