B-Meg Llamados pinupog ang Meralco Bolts

MANILA, Philippines - Mula sa pagbibida ni­na PJ Simon at Kerby Ray­mundo sa final canto, ki­nuha ng Llamados ang ka­nilang ikalawang sunod na panalo.

Umiskor si James Yap ng 25 points kasunod ang 17 ni Simon at 15 ni Ray­mun­do ng upang tulungan ang B-Meg sa 95-79 panalo sa Meralco sa eli­mination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Cuneta As­trodome kahapon sa Pa­­say City.

“This is the time we ha­ve to make our surge, our move,” sabi ni coach Tim Cone sa Llamados, umis­kor ng 76-65 panalo sa Shopinas.com Clickers no­ong Nobyembre 2. “We can’t lag too far back and ex­pect to catch anybody.”

May 4-4 baraha nga­yon ang B-Meg sa ilalim ng Rain or Shine (6-1), nag­dede­pen­sang Talk ‘N Text (6-1), Ba­rako Bull (5-2), Petron Bla­ze (5-3) at Me­ralco (5-4) kasunod ang Ba­­rangay Ginebra (3-4), Po­werade (3-5), Alas­ka (1-6) at Shopinas.com (0-8).

Kasalukuyan pang nag­lalaban ang Elasto Painters at ang Energy habang is­i­nusulat ito.

Show comments