LAS VEGAS --- Tiniyak ng mga trainers nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez na walang magiging isyu kaugnay sa paggamit ng illegal substance isang araw bago ang kanilang upakan dito sa MGM Grand Arena.
“You get a fighter in shape and make him work hard and some people think there must be something fishy about that,” sabi ni five-time Trainer of the Year Freddie Roach. “I don’t want to do that to them.”
Matatandaang ginawang isyu ni Floyd Mayweather, Jr. ang pagsailalim nila ni Pacquiao sa isang Olympic-style random drug at urine testing.
Ito ang ginamit na dahilan ng 34-anyos na si Mayweather para dalawang beses na tanggihan ang pinaplantsang megafight nila ng 32-anyos na si Pacquiao na pinaratangan ng American fighter na gumagamit ng Performance-Enhancing Drugs (PEDs) sa kanyang mga laban.
Para sa kanyang paghahamon kay Pacquiao bukas, nagdagdag ng timbang at muscle ang 38-anyos na si Marquez.
“There are different ways to get a fighter very strong. We’ve done it the right way,” wika ni Mexican trainer Ignacio Beristain kay Marquez. “I don’t see why somebody should doubt we have done it the right way.”
Naging usapin naman ang pagkuha ni Marquez sa kontrobersyal na si strength and conditioning coach si Angel Heredia, nagbigay ng performance-enhancing substances kina American athletes Marion Jones at Tim Montgomery at ilan pang mga dating US athletics stars.
Pinabulaanan ni Marquez na gumamit siya ng banned substances para lumaki ang kanyang katawan.
"I have done a clean preparation for this fight like always," ani Marquez. "I will take any test any time. That's why anti-doping exams exist.”
Pawang mga nutrition at technique guidance lamang mula kay Heredia ang hiningi ni Marquez.
"If he came to Juan with something, I know he wouldn't take it. ,” ani Beristain kay Heredia.