Si Mayweather ang kasunod matapos si Marquez - Roach

LAS VEGAS -- Kung si­ya ang masusunod, gusto ni five-time Trainer of the Year Fred­die Roach na labanan at talunin muna ni Manny Pacquiao si Floyd Maywea­ther, Jr. bago magretiro.

"I'd like to get Maywea­ther next, beat him and call it a day," sabi ni Roach sa panayam ng BoxingScene. "That will be the icing on the ca­ke."

Nauna nang sinabi ni Roach sa ESPN na hindi pa ni­ya nakikitang humihina si Pacquiao at maaari pa itong lumaban ng 10 beses.

Ngunit kailangan munang talunin ni Pacquiao si Mexican Juan Manuel Mar­quez sa Linggo bago ma­plantsa ang laban nila ni May­weather.

"It's the fight I want," ani Roach. "I want to see that fight as badly as all of you. He's a challenge and I love challenges."

Dalawang beses bu­mag­sak ang negosasyon pa­ra sa nasabing Pacquiao-May­weather megafight.

Ito ay mula na rin sa ilang is­yu na pinalitaw ni Maywea­ther para maiwasan si Pacquiao.

Kabilang na rito ang usa­pin sa pagsailalim nila sa Olym­pic style random blood at urine testing bago ang kanilang laban.

Show comments