4th win asam ng Blackwater kontra sa Freego Jeans

MANILA, Philippines - Malalaman ang tikas ng mga maagang nagpapasikat na koponan sa kanilang pagsalang sa PBA D-League As­pirants’ Cup sa Arellano University Gym.

 Ipaparada ng Blackwater ang 3-0 baraha sa pagbang­ga sa Freego Jeans ngayong alas-4 ng hapon matapos naman ang tagisan ng Cebuana-Lhuillier at RnW Pacific Pi­pes sa alas-2.

“It will be a test of character for us. Freego Jeans is a team that plays aggressive and with a lot of energy and this will enable us to determine our strength as a team,” wi­ka ni Blackwater Elite coach Leo Isaac.

Sina Jeric Fortuna, Clark Bautista at Isiah Ciriacruz, nag­tuwang sa 92-86 panalo ng Blackwater sa Café Fran­ce kamakalawa, ang babandera sa Elite laban kina Les­ter Alvarez, Eric Camson at Janus Lozada ng Freego Jeans (2-0).

Ibabandera naman ng Gems ang kanilang 3-0 rekord la­ban sa Steelersm, nanalo sa DUB Unlimited, 78-77.

“This is a morale booster for the players and I hope we will be able to sustain our performance for our next game,” wi­ka ni Freego Jeans’ mentor Topex Robinson.

Mangunguna naman sa Cebuana-Lhuillier sina Kevin Alas, Vic Manuel at Marvin Hayes.

Show comments