Respeto ang mas matimbang kay Manny kesa sa malaki niyang makukuha sa laban

LAS VEGAS, Nevada — Bagamat malaki ang ma­tatanggap niyang prize mo­ney, mas mahalaga naman kay Manny Pacquiao ang respeto.

Matapos ang kanilang da­lawang laban ni Juan Ma­­nuel Marquez noong 20­04 at 2008, ipinangalanda­kan ng Mexican na siya ang tu­nay na nanalo.

“He disrespected me. The most important thing to me is respect,” sabi kaha­pon ni Pacquiao sa kanyang pagdating dito. “I’m not mad at him. I’m not mad at anybody. It’s about what I need to prove.”

Sinabi ni Pacquiao na gusto na niyang pata­himikin si Marquez sa pa­mamagitan ng isang mali­nis na panalo sa kanilang pa­ngatlong paghaharap sa Ling­go (Manila time).

“I took this fight not for the money but to give a great showing,” ani Pacquiao. “This fight is one of the most important fights I’ve had. This fight is really im­portant to me because he says he won the last two fights.”

“That’s why I have been very motivated with my trai­ning. I feel like in my training when I was 24 or 25 years old,” dagdag pa ni ‘Pacman’.

Mga matang nagbabaga naman ang nakikita ni trai­ner Freddie Roach kay Pac­quiao.

“Manny has a little extra fire in him. He has been a little rougher on his sparring part­ners,” wika ni Roach.

Bagamat pikon kay Mar­­quez, sinabi ni Pacquiao na hindi niya gagaya­hin ang traydor na pa­nu­nun­tok ni Floyd Maywea­ther, Jr. sa fourth round ng ka­­nilang laban ni Victor Or­­tiz noong Setyembre.

Habang hindi naka­ti­ngin si referee Joe Cortez ay sinun­tok ni May­weather si Ortiz para sa kanyang knock­out win.

“I won’t do that. I don’t want to disappoint the fans,” pa­­niniyak ni Pacquiao. “I ca­re about the fans. I don’t want them to be disappointed. Nothing wrong with what he did. It’s legal. But we are talking about sports­man­ship,” ani Pacquiao.

Show comments