NEW YORK — Binigyan kahapon ni NBA Commissioner David Stern ang mga NBA players ng alok at deadline.
Inalok ni Stern ang grupo ng tsansang makakuha ng higit sa 51 percent sa basketball-related income.
Hindi sinabi ni Stern kung ito ay isang ultimatum. Ngunit hindi ito ikinatuwa ng players’ union.
“The players will not be intimidated,” sabi ni attorney Jeffrey Kessler matapos ang walong oras na negosasyon ng dalawang grupo.