Super League Davao playoff didribol ngayon

MANILA, Philippines - Magbubukas ngayong araw ang Davao City playoffs para sa 1st Handy Fix Super League National Barangay Championship kung saan maghaharap ang Barangay Buhangin at Barangay Agdao, habang magtitipan ang Barangay 8-A at Barangay 76-A para makapuwesto sa Regional Finals sa Linggo.

Nakatakda ang laro sa alas-6 ng gabi.

Samantala, nitong week­end sa SASES co­ve­red court sa San Andress Bukid sa Manila, hi­niya ng Brgy. 56 ang Brgy. 678, 118-67 sa likod ng 25 puntos nina Mac-Mac Pedroso, ang hinirang na Max Bond Best Player at Pancho Santos, ang Best Defensive Player.

Umiskor naman si Frank Vidal ng 23 puntos at gumawa naman ng apat na supalpal si Aurelio Abulencia upang trangkuhan ang Brgy. 802 sa 56-40 panalo laban sa Brgy. 741.

Samantala, kinorona­han na kampeon ang Brgy. Katipunan sa Mindanao eli­mination sa Panabo City sa torneong ito na su­portado rin ng Buildrite Construction Chemicals at Maxweld sa Brgy. Katipunan covered court.

May puwesto na ang Katipunan, kinatawan ng ACES Institute of Techno­logy, kasama ang Cor Jesu College ng Brgy. Zone 2 Poblacion, Digos City at ang top two teams mula sa Davao City ang kukumpleto sa cast ng Regional Finals.

Ang Mindanao champion ang kakatawan sa region sa National Finals sa Nov. 12-13 sa Cebu City.

Show comments