Gems, Superchargers uukit ng 2 dikit na panalo sa D-League

MANILA, Philippines - Alam ni coach Luigi Tril­lo na mataas ang ekspek­tasyon sa Cebuana Lhuillier sa ginaganap na PBA D-League Aspirants Cup.

“We won the pre-season tournament, we tied the national team so expectations medyo nandoon,” wika ni Trillo matapos ku­nin ang unang panalo sa 11 koponang liga sa 58-47 panalo sa Cobra Energy Drink.

Patatatagin pa ng Gems ang laban sa pag-asinta sa ikalawang panalo laban sa DUB Unlimited Wheelers sa larong gagawin sa Trinity University of Asia gym.

Ikalawang laro ang nasabing tagisan matapos ang unang bakbakan sa pagitan ng Big Chill at RnW Pacific Pipes Steelers sa ganap na alas-2 ng hapon.

Natalo ang DUB Unli­mited sa Blackwater, 62-78, sa unang laro pero na­ni­niwala si Trillo na mapapa­hirapan sila ngayon ng ka­tunggali.

Ikalawang panalo rin ang pakay ng Big Chill sa Steelers na hahawakan pa rin ni San Sebastian coach Topex Robinson.

Umukit ng 82-76 panalo ang Superchargers sa Ironmen sa unang laban at kung palarin ay makaka­salo sa lideratong solong tangan ng Blackwater sa 2-0 baraha.

Show comments