Pacquiao cover ng Newsweek

MANILA, Philippines - Nasa balita na naman si Manny Pacquiao.

Ang Sarangani Congressman ang nasa cover ng Newsweek’s Latin America at Philippine editions para sa linggong ito.

Hindi na nakakagulat na makita si Pacquiao sa co­ver ng nasabing widely-read magazine kung saan makikita ang titulong “Pacquiao the Godfather.”

Nailagay na ang mukha ni ‘Pacman’ sa cover ng Time Magazine at naitampok na rin sa Sports Illustra­ted at GQ Magazine.

Sa Newsweek article na isinulat ni Lawrence Os­borne, inilarawan si Pacquiao bilang isang “boxer, God­father, saint at politician.”

Bumiyahe na si Osborne sa Manila at General Santos City para obserbahan kung ano ang pang araw-araw na ginagawa ni Pacquiao. Una niyang nakilala ang boxer sa airport kung saan sila nagkamay.

“If I had amputated my hand, which had just shaken Pacquiao’s, I could probably have sold it to souvenir hunters,” sulat ni Osborne.

Show comments