MANILA, Philippines - Suportado ng isa sa mga pinakamalaking sportswear manufacturing companies sa buong mundo ang isports sa Pilipinas at lahat ng atletang Pinoy.
Ang isang koponan na sinuportahan ng Fila ay ang delegasyon ng Pilipinas sa 4th Chicago International Taekwondo Winter Games sa Norridge, Illinois sa Nobyembre 11-13.
Ang Fila, na nagdiriwang ngayong taon ng kanyang sentenaryo, ang gumawa ng official uniform ng national team--commemorative shirt na nagpapakita ng mga national symbols at mga simbolo ng torneo.
Ang mga miyembro ng taekwondo team ang nagbigay sa Fila ng mga artwork at graphics na siya namang ginamit ng kumpanya para sa pinal na disenyo.
Ayon kay FILA President Martin Albert, ang “Fila”sophy ng kumpanya ay simple lamang: ang isport at buhay ay iisa at magkapareho, at ang isport ay ang “art of being fit.”
Naniniwala si Albert na ang mga kabataang atleta ng taekwondo team ay kumakatawan sa core values ng Fila na pagiging totoo (Authenticity), kahusayan (Performance), at istilo (Style).