Isa na lang sa San Beda Red Cubs

MANILA, Philippines - Sapat na ang freethrow ni Daryl Nazareno para ita­kas ng San Beda ang 74-73 panalo laban sa CSB-La Salle-Greenhills sa Game Two ng 87th NCAA juniors basketball FInals ka­hapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Nalagay sa 15-foot line si Nazareno nang malapatan ng foul ni Mario Emma­nuel Bonleon, Jr. may 8.1 segundo. Pasok ang unang buslo pero mintis ang ikalawa para magkaroon pa ng pagkataon ang Greenies na maipanalo ang laro.

Ngunit masama ang pa­sa ni Thomas Torres at na­agaw ito ni Antonio Bonsubre para lumapit ang Red Cubs sa isang laro tungo sa pag­hablot ng ika-19 na titulo sa juniors division at iwanan ang Mapua na katabla nila nga­yon sa paramihan ng ti­­tulong napanalunan sa bilang na tig-18.

“Kailangang manalo ka­mi sa next game dahil mag­kakaroon pa sila ng mo­­mentum kung sila ang lu­musot. Goal talaga namin na maibigay sa San Beda ang 19th title at paghahan­da­an namin ito,” wika ni Red Cubs’ coach Brit Reroma.

Ang panalo ay pambawi rin ng San Beda sa tinamong unang pagkatalo sa season sa 82-85 sa panimula ng championship series noong nakaraang linggo.

Nakuha ng Red Cubs ang panalo kahit anim sa ka­nilang manlalaro ay kala­labas lamang ng ospital da­hil sa amoebiasis.

Show comments