Consistent si Caguioa

Parang nagkukulang ng firepower ang Barangay Ginebra at to ang nagbibigay ng agam-agam sa mga fans ng pinakapopular na ballclub sa bansa.

Kasi nga, parang si Mark Caguioa lang ang consistent sa mga Gin Kings at ang mga kakampi niya ay nangangapa pa ng porma tatlong linggo na ang nakakalipas buhat nang magbukas ang 37th season ng PBA.

Well, kahit paano’y pasado na siguro ang 2-2 record ng Barangay Ginebra sa una nitong apat na games. Kaya lang, kulang ng consistency ng koponang ito dahil hindi makagawa ng winning streak. bale W-L-W-L ang pattern ng Gin Kings so far.

Nagsimula ang kampanya ng Ginebra nang ma­­talo sila sa Rain or Shine, 94-90, sa opening game. Naka­bawi sila nang ilampaso nila ang Alaska Milk, 83-72. pero pagkatapos nun ay sila naman ang tinambakan ng Barako Bull, 88-75. At noong Sabado ay muntik na silang masilat ng Powerade sa unang out-of-town game ng season na ginanap sa Victorias City, Negros Occidental.

Isinalba ni Caguioa ang Gin Kings nang ma-follow up niya ang mintis ni Jay-Jay Helterbrand upang mau­ngusan ng Barangay Ginebra ang Powerade, 73-72.

So, panay Caguioa na lang ang inaasahan ng Barangay Ginebra at hindi pa talaga sumisingasing ang iba. Itinutuloy lang ni Caguioa ang kanyang ka­bayanihan buhat noong nakaraang season kung saan siya talaga ang bumuhat sa Gin Kings dahil sa nagtamo ng injury si Helterbrand.

Katunayan, si Caguioa ay naging contender pa­ra sa 2011 PBA Most Valuable Player award pero dahil hin­di naman nagkampeon ang Gin Kings sa alinman sa tatlong conferences ay hindi siya nahirang na MVP. Ang karangalan ay napunta sa point guard na si Jimmy Ala­pag ng Talk ‘N Text na nagkampeon sa 2011 PBA Philippine Cup at sa Commissioners Cup.

Kung titignan ay ilang seasons na rin namang na­­giging contender si Ca­guioa para sa MVP award pero hindi pa rin ni­ya ito nakukuha. Si Ca­guioa ay pu­malaot sa PBA noong 2001 at si­yang naging Rookie of the Year.

Pero matapos iyon ay wala na. Naunahan siya ng mga kakamping sina Eic Menk at Helterbrand para sa PBA MVP award.

Hindi natin alam kung hi­nahabol pa niya ang ka­­rangalang iyon hanggang ngayon bagamat alam na­man natin na la­hat ng mga players ay na­ngangarap na mapana­lunan iyon.

Pero alam naman natin ang history ni Caguioa. Pa­ra ngang nagbabalik lang siya ulit dahil sa two years ago ay nagtamo siya ng injury at hindi ha­los na­pakinabangan sa loob ng isang season. Maganda nga ang na­ging comeback niya no­ong nakaraang taon at tuluy-tuloy ang pag-ak­yat ng kanyang perfor­mance.

Kaya nga marami ang naniniwala na kung mag­pa­patuloy ang kanyang improvement ay puwe­de siyang ma­ging contender ulit para sa MVP award, Ka­ya lang, kailangan ay maging maganda din ang achievement ng Barangay Ginebra at makarating din ito sa Fi­nals o mag­wagi ng kam­peonato.

Kasi, kahit na ano pa ang ganda ng perfor­mance ni Caguioa, kung hin­di naman magtata­gumpay ang Gin Kings, bale wala rin.

Magkasabay ang team at individual award.

So, kailangang maging consistent din ang mga ka­kampi ni Caguioa.

Hindi lang naman si Ca­guioa ang inaasahan ng mga Barangay Gineb­ra na magtagumpay. Na­is nilang ma­mayagpag ang kanilang koponan mis­mo!

Show comments