Vietnam pinakain ng alikabok ng Nationals

NHA TRANG, Vietnam--Kinumpleto ng Energen Pilipinas U-16 team, nagtampok kina Jordan Hea­ding at Prince Rivero, ang isang two-game sweep sa Group D matapos ilampaso ang host Vietnam, 111-25, sa FIBA Asia U-16 Championship dito sa Khanh Hoa Sports Center dito.

Ang Fil-Australian na si Heading na nakabase sa Taiwan ay may 22 points kasunod ang 20 ng 6-foot-2 na si Rivero ng National University.

Nagdagdag naman si lefty big man Jay Jave­losa ng Reedley ng 16 points, habang may 10 si guard Rev Diputado para sa panalo ng Nationals na inialay nila sa kaarawan ni operations manager Ms. Ito Lopa.

Makakasagupa ng Ener­­gen Pilipinas ca­gers, giniba ang Indonesia, 93-30, sa kanilang unang laro noong Miyerkules, ang Japan, Saudi Arabia at Qatar sa second round ngayon.

Haharapin ng Phl team ang Qatar sa ganap na alas-10 ng gabi sa hangaring makapasok sa knockout quarterfinals stage kung saan ang top four teams matapos ang second round ang makakasama.

It's hard to play teams where you really expect to win because you develop bad habits," sabi ni coach Olsen Racela. “But it doesn't matter who you play against, the important thing now is to play consistently in the second round.”

Nagkaroon naman si 5-foot-11 guard Kyles Lao ng ankle injury sa second quarter.

 Humugot si Heading ng 12 points sa fourth period para ipakita ang dominasyon ng Ntionals.

May 0-2 baraha ang Vietnam kagaya ng Qatar patungo sa second round.

PHILIPPINES 111 - Heading 22, Rivero 20, Javelosa 16, Diputado 10, Dalafu 9, Asilum 9, Ramos 6, Caracut 5, Lao 4, Cani 4, Alejandro 4, Go 2.

VIETNAM 25 - Hoang 5, Tran 5, Minh T.N. 4, Van 4, Duy T.N. 4, Duy M.D. 2, Ming G.P. 1, Duy T.D. 0, Vy 0, Thanh 0, Nguyen 0, Tien 0.

Quarterscores: 32-11; 69-17; 83-22; 111-25.

Show comments