Lady Patriots kampeon uli

MANILA, Philippines -  Napanatili ng La Salle-Dasmariñas ang kanilang korona matapos igupo ang Philippine School of Business Administration, 19-25, 25-19, 26-24, 25-18, nitong Huwebes sa 10th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) women’s volleyball tournament.

Sumandig ang Lady Patriots sa performance nina Giselle Bembo at Bea Canillas sa fourth set upang walisin ang kanilang best-of-three title series ng Lady Jaguars sa Central Colleges of the Philippines gymnasium sa Sta. Mesa, Manila.

Ang panalo ay nagbi­gay sa Lady Patriots ng siyam na sunod na korona at ikaapat naman sa panga­ngasiwa ni coach Darwin Campanan sa naturang torneo na suportado ng Mikasa at Molten Balls.

Show comments